186 - Ang Pananampalataya ng Ating mga Magulang

Ang pananampalataya
Ng ating mga magulang,
Nanatiling pang buhay,
Nabilanggo man sa hukay.
Oh pananampalataya!
Magtatapat kami t'wina.

Napipiit man sa dilim,
Puso't budhi'y malaya rin;
Mga anak mapalad din,
Kung sila ng huhuwarin!
Oh pananampalataya!
Magtatapat kami t'wina.

Iibigin sa alitan,
Kaibigan at kaaway;
At Ikaw'y ipangangaral
Sa salita't pamumuhay.
Oh pananampalataya!
Magtatapat kami t'wina.

0:00 0:00